Una sa Balita

Traffic enforcer na kinaladkad ng SUV ni-regular ni Mayor Isko

0 489

GINAWANG permanen­te sa trabaho ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang mi­yembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na kinaladlad ng pasaway na driver ng SUV noong Sabado­ sa may Sta. Cruz, Maynila.

Inanunsiyo ni Moreno ang magandang balita kay Mc Adrian Lim, 21, miyembro ng MTPB at may plantilla na ito sa city hall sa ginanap na flag ceremony kahapon ng umaga sa Kartilya.

“Permanente ka na, kung ako ang tatay nito kukulatain ko ito, kulatang karinyo, ka­sing edad lang ito halos ng panganay ko, kung ako ang magulang nito, I will be proud of my son,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na hindi niya maisip kung ano ang ‘mind set’ ni Lim dahil hindi na umano inisip ang kanyang buhay basta ang nasa isip niya ay mali ang ginawa ng driver na si Orlando Ricardo Dizon Jr., 54, residente ng 47 Gonzales Drive Dona Pilar Compound, Batasan Hills, Quezon City.

“Kapag umulan gumitna ka ha para mabasa ka at dumami pa ang lahi mo,” dagdag ni Moreno.

Katulad umano ni Lim, ang dapat pamarisan ng mga naglilingkod sa pamahalaan na sa kabila ng kanyang maliit na suweldo na P6,000 kada buwan ay hindi ina­lintana ang panganib tumupad lamang sa kanyang tungkulin. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy