Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trae sinusuka sa New York

0 105

ASAR pa rin ang mga fan ng New York kay Atlanta Hawks star Trae Young ilang buwan makaraan silang sibakin ng basketbolista sa first round ng nagdaang 2020-2021 NBA playoffs.

Nanood nang live at special guest sa WWE SmackDown si Trae sa Madison Square Garden, ang home court ng Knicks, paglabas nito sa stage ay hinarana na ito ng boo mula sa mga asar pa ring fans ng New York.

Sa kabila nito, cool lang ang player at nakangiti lang kahit puro boo ang inabot nito.

Hindi ito ang unang pakikipagtambalan ni Young sa WWE, noong Enero, inanunsiyo niya na magkakaroon ng pay-per-view event ang wrestling organization sa January 2022 sa State Farm Arena, ang home court ng Hawks.

Wala pang titulo ang event kaya nagsuhestiyon si Young.

“I don’t know about you, but I think New Year’s Trae would be a great name for the event, and I can’t think of a better way to bring in 2022 than with the WWE Universe,” aniya.

Sinibak ng 22-anyos na si Trae at ng Hawks ang Knicks sa first round, 4-1, sa ikinamadang 29.2 points at 9.8 assists per game average.

Noong isang buwan, tumango ang All-Star guard sa five-year designated rookie maximum extension sa Atlanta na nagkakahalaga ng $207 million. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.