Una sa Balita

Trae kalebel sina James, Jordan

0 353

CAREER night ni Trae Young sa State Farm Arena sa Atlanta, pagkatapos ihatid ang Hawks sa 129-124 win laban sa Miami Heat ay siya pa ang namigay ng souvenir.

Pagtunog ng ­final buzzer, tumayo mula sa kinauupuan sa sidelines si Quavo at nakipagyakapan kay Young.

Maya-maya, hinubad ng 21-anyos na second-year guard ang jersey at binigay sa ­Atlanta native rapper.

Nangailangan lang si Young ng 25 tira para makuha ang bagong career-high 50 points, 8-for-15 sa labas ng arc at 18-of-19 sa free throw line.

Anim na beses na sa kanyang batang career na umiskor si Ice Trae ng 45 points.

Si LeBron James lang ang may mara­ming games sa edad 21 o mas bata.

Ang NBA all-time leaderboard ng most games na 45+ points bago nag-22 years old: James (7), Young (6), Kevin Durant (5), ­Michael Jordan (4).

Si Young ang fourth-youngest player na umiskor ng 50 sa isang laro. Ang iba pa ay sina LeBron (3x), Devin Booker at Brandon Jennings.

Kagagaling lang ni Young sa una niyang appearance bilang starter sa All-Star Game noong Linggo sa Chicago.

“I’ve always had confidence in myself,” pakli niya nang matanong kung nakakuha ng kumpiyansa sa paglala­ro niya sa All-Stars.

Ang dating career-high ni Young ay 47 kontra Indiana Pacers noong Nov. 29. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More