Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trae, Hawks syut sa East Finals

0 139

BIYAHENG East finals si Trae Young at Atlanta Hawks matapos sipain ang top seed 76ers 103-96 sa deciding Game 7 sa Philadelphia Linggo ng gabi.

Maalat ang shooting ni Young – 5 of 23 overall – pero hindi naglubay hanggang mahulog sa net ang 3-pointer sa dulo.

Sinelyuhan ng tatlong free throws ni Kevin Huerter ang panalo.

Nagsumite ng team-high 27 points si Huerter, tumapos si Young ng 21 points at 10 assists.

Nag-ambag ng 14 points, 16 rebounds si John Collins at sa postgame interview ay sinuot ang T-shirt niyang may larawan ng dakdak niya kay Joel Embiid sa Game 6.

“We did it in a big way,” bulalas ni Young.

Sa kasaysayan ng prangkisa, 0-7 sa mga Game 7 ang Hawks. Nangulelat pa sila sa East sa second half ng regular season, sinipa si coach Lloyd Pierce at ipinalit si Nate McMillan. Nag-iba ang ihip ng hangin, hahamunin na nila ang Milwaukee para sa isang slot sa NBA Finals.

Game 1 ng Hawks-Bucks sa Huwebes (araw sa Manila) sa Milwaukee.

May iniindang knee injury si MVP runner-up Embiid, nagsumite ng 31 points at 11 rebounds at halos mag-triple-double sa 8 turnovers. Sumegunda ng 24 points, 14 rebounds si Tobias Harris, may 13 assists si Ben Simmons pero naka-5 points lang. Nalimitahan sa 16 markers si Seth Curry. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.