Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trae, Hawks dinagit Sixers

0 340

Balik ang scoring touch ni Trae Young, pasabog ng 26 points para bitbitin ang Atlanta Hawks sa 113-94 panalo laban sa Philadelphia 76ers Lunes ng gabi.

Nalimitahan sa combined 22 points sa naunang dalawang laro si Young, ibinaon ang unang tatlong baskets ng Atlanta sa second half para kumalas kontra kulang sa taong Sixers.

May tig-15 points sina De’Andre Hunter at Brandon Goodwin para putulin ang four-game skid ng Hawks, nagdagdag si Clint Capela ng 12 points at 10 rebounds.

Sinindihan ng jumper at back-to-back layups ni Young ang 15-2 start ng Atlanta sa second half para pabukahin sa 80-52 ang 65-50 lead sa half.

Malayo na ang Hawks 95-65 sa dulo ng third, iniupo na si Young at iba pang starters sa fourth.

Naglaro si Joel Embiid sa Philadelphia at nagsumite ng 24 points, 11 rebounds. May 18 points si Isaiah Joe.

Siyam na players lang ang pinag-uniporme ng 76ers, nadagdagan ng dalawa mula sa 115-103 home loss nila sa Denver noong Sabado.

Wala sa Philly si Ben Simmons (sore left knee), nag-positive sa COVID-19 si Seth Curry. Wala din sina Tobias Harris at reserves Shake Milton, Matisse Thybulle at Vincent Poirier bunga ng COVID-19 protocols. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.