Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trae, Hawks dinagit Heat

0 142

PINAMUNUAN ni Trae Young ang opensa ng Atlanta Hawks upang pundihin ang Miami Heat, 127-92, Biyernes (Manila time) sa NBA preseason.

Bago rumagasa sa kanilang regular season opener sa Oktubre 22, pinadapa ng Hawks ang Heat sa pangunguna ni Young na kumana ng double-double performance na 27 points at 15 assists dagdag pa ang tatlong rebounds.

Matapos tambakan ng 24 puntos sa pagtatapos ng first half, 67-43, pinanghawakan ng Hawks ang kanilang kalamangan at tapusin ang ikatong yugto sa iskor na 97-72.

Bukod kay Young, double-double rin para sa Hawks sina John Collins na nagtala ng 13 points at 11 rebounds at Clint Capela na kumubra ng 10 markers at 10 rebounds.

Nag-ambag rin para sa koponan si De’Andre Hunter ng 19 points, Kevin Huerter ng 13 puntos at Cam Reddish ng 10 markers.

Kapos naman para sa Heat ang 20 points ni Javonte Smart, 16 points at 16 rebounds ni Micah Potter at 18 markers at siyam na rebounds ni Max Strus.

Sa darating na Biyernes, unang makakabangga ng Hawks sa regular season ang Dallas Mavericks. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.