Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trae alanganin sa Game 4

0 113

KUWESTIYONABLE si Trae Young sa Game 4 ng Eastern Conference finals sa State Farm Arena sa Atlanta ngayong araw.

Nagkaroon daw ng bone bruise sa kanang paa ang Hawks star resulta ng pagkakatapilok matapos matapakan ang paa ng isang referee sa Game 3.

Bago natapos ang third quarter ng 113-102 loss ng Atlanta sa Milwaukee, naagaw ang pasa ni Young at agad siyang pumihit para tumakbo sa depensa nang matapakan ang paa ni referee Sean Wright.

“I guess I’ve got to have eyes in the back of my head now to see who’s behind me,” biro pa ni Young pagkatapos ng laro.

Ilang sandali ding nakasalampak sa sahig si Young pagbagsak, tumayo lang sa sumunod na pito. Pumasok siya ng locker room, nakabalik higit 8 minutes pa sa fourth pero nagsisimula nang kumalas ang Bucks sa pangunguna ni Khris Middleton.

Abante ang Milwaukee sa series 2-1.

Para mapunan ang average na 29.8 points at 9.5 assists ni Young sa playoffs, pipigain ni coach Nate McMillan sina Lou Williams, Bogdan Bogdanovic at Kris Dunn para mag-deliver. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.