Una sa Balita

Traders na sangkot sa ‘rice hoarding at profiteering’ kasuhan

0 2,424

Hinamon kahapon ni Manila 1st District Rep. Manuel ‘Manny’ Lopez ang pamahalaan na maghain ng kaso ng economic sabotage sa mga pribadong rice traders na mapapatuna­yang sangkot sa ‘rice hoarding at profiteering’.

Ikinalungkot ni Lopez na matagal na niyang naririnig noon at ngayon mula sa mga opisyales ng pamahalaan kapag umiiral ang umano’y rice shortage ay kakasuhan ng economic sabotage ang mga sangkot dito ngunit wala pa siyang natuluyan na nakasuhan.

Kasabay nito, hinamon din ni Lopez si Agriculture Secretary Manny Piñol at National Food Authority (NFA) Admi­nistrator Jason Aquino na suyurin ang mga bodega ng umano’y private rice traders na sangkot sa rice hoarding at profiteering.

Hinikayat ng Tondo solon ang lahat na suportahan ang patakaran ni Pangulong Duterte na huwag umasa sa importasyon ng bigas.

“Magtrabaho tayo nang husto para mawakasan na ang napapaulat na umano’y pagkukulang ng suplay ng bigas sa bansa na sa katotoha­nan ay artificial lamang dahil punong-puno ang mga bodega ng mga rice tra­ders,” dagdag pa ni Lopez.

Nauna rito, sa pagdinig ng House committee on agriculture and food, nagpasya na anyayahan sa susunod na pagdinig nito ang 13 traders na pinaratangan sangkot sa rice cartel sa Metro Manila.