Una sa Balita

Trader lugi sa female personality

0 806

Marami pa ring biyaherang nagbebenta ng mga goods sa mga artista. Kapag break time nila ay saka sila pumipili ng mga gusto nilang bilhin.

Mas maraming biyahera ng mga damit at sapatos, bibihira lang ang mga alahera, sa bahay na lang nila pinapupunta ang mga nagbebenta ng jewelry dahil magulo sa studio.

Kuwento ng aming source, “Ipinagbawal na dati ang mga biyahera sa pagpunta sa studio dahil malaking abala ‘yun sa mga artista. Hindi na kasi sila nakakapagpa­hinga, nagagamit pa nila ang time sa pamimili ng mga kagamitan nila.

“Pero nakiusap ang mga stars, payagan na dapat ang mga suki nila, kasi, wala rin naman silang time na magpunta sa shop dahil sa higpit ng kanilang schedule.

“Pero may kuwento tungkol sa isang female personality na hindi na binibigyan ng goods ng mga biyaherang dumadalaw sa studio. Nadala na kasi sila sa babaeng ‘yun, nalulugi sila!

“Okey naman ang payment niya, on time naman, kaya lang, nagkaroon sila ng problema. Mahilig kasing umorder ng mga dress at shoes ang young female personality na ‘yun.

“Iniuuwi muna niya ang mga inorder niya, du’n niya isusukat at pipiliin kung alin-alin ang kukunin niya. Ibinabalik niya ang iba.

“Kaso, nabuking siya ng isang trader. ‘Yung mga ipinabalik niya, e, naisuot na niya sa pictorial at sa guesting niya sa mga TV shows dahil promo nu’n ng movie niya!

“Ayaw nang tanggapin ng biyahera ang mga sapatos dahil paano pa nga naman niya maibebenta ang mga nagamit na? Hindi raw, sabi ng girl, iba raw ang mga shoes na ginamit niya sa promo.

“Natural, kilalang-kilala ng tindera ang mga products­ niya, di ba? Hindi na lang siya siningil ng trader, pero nag-usap-usap sila ng mga kasamahan niya, hindi na nila bebentahan ng goods ang mautak na young female personality.

“Kimkimin na lang nila ang sama ng loob, pero promise, kapag nakikita na nila ang young female persona­lity, umiiwas na lang sila. Makikipili rin kasi ng mga goods ang lowkah!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Kris tinuldukan ang relasyon kay Herbert

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang kung anumang natitira pang alaala tungkol sa naging relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista.

Tapos na raw ‘yun, madiing sabi ni Kris, pero kasabay ng desisyon niyang tapusin na ang nakaraan ay nandu’n pa rin ang kanyang papuri sa aktor-pulitiko na kahit minsan ay hindi nagbigay sa kanya ng sama ng loob kahit sa text lang.

‘Yun din daw ang pinakagustong pangyayari ni Bimby, nirespeto raw ng mayor ng Kyusi ang kanyang mommy, kaya mananatili itong kaibigan ng kanilang pamilya.

Dapat lang namang kalimutan na ni Kris ang namagitan sa kanila ni Mayor Herbert, napakatagal na nu’n, marami nang naganap sa kani-kanilang buhay.
Kailangan nang tutu­kan ni Kris ang kanyang kinabukasan. May matinding laban siyang kinakaharap ngayon, ang kanyang kalusugan, kailangan niyang bumalik uli sa Singapore para malaman ang kinalabasan ng mga tests na ginawa sa kanya ilang buwan na ang nakararaan.

Ang dami-dami niyang dapat gawin, naka­bimbin ang kanyang mga proyekto, ang mga gagawin niyang pag-eendorso ng mga bagong produkto na dapat sana’y nagawa niya na nu’n pa.

Maging maayos na sana ang kalusugan ni Kris sa taong ito. Nagbigay nang matinding stress sa kanya ‘yun, may sapat man siyang pambili ng gamot at pampaospital ay hindi pa rin naging sagot ‘yun sa kanyang allergies.

Napakakinis niya pa naman. Kagat nga lang ng lamok ay kitang-kita na sa kanyang kutis. May makatapat sanang lunas ang matagal na niyang pinoproblemang sakit sa balat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy