Una sa Balita

Trade kay Erram hinarang ng PBA

0 436

NAUDLOT ang pagbabalik ni John Paul ‘Poy’ Erram sa kanyang dating koponang TNT matapos ipag-utos ng namamahalang komite sa Office of the PBA Commissioner ang pagrebisa sa kumplikadong palitan ng mga player sa pagitan ng NLEX Road Warriors, KaTropa at Blackwater Elite.

Sinabi ng isang agent kahapon na ang usapan sa pagitan ng tatlong koponan na nakasentro kay Erram ay ibinalik o hindi sinang-ayunan ng PBA Committee bagaman malaki ang posibilidad na rebisahin upang tuluyang maisagawa ang pagpapalitan para makuha ang kanilang mga ninanais na mga manlalaro.

“The trade deal that revolves around Poy Erram has been vetoed or denied by the PBA committee. However, a revision is needed to make it happen,” sabi ng agent.

Nakasaad naman sa ipinasang dokumento hinggil sa asam na trade na makukuha ng KaTropa ang 6-foot-8 na si Erram kapalit ng big man ding si Marion Magat at isang first-round pick mula sa Elite na magagamit ng huli para sa susunod na first-round pick ng Blackwater.

Ipapalit naman ng Elite ang dalawa ­nitong future draft pick na kabilang ang nakuha nitong first-rounder sa KaTropa kasama ang forward na si Anthony Semerad tungo sa Road Warriors para makuha ang serbisyo ni Erram.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More