Una sa Balita

Trade kay Butler malabo pa

By ,
0 256

ISANG “precautionary rest” aniya ang ibinigay kay Jimmy Butler nang hindi ito maglaro sa Minnesota Timberwolves na nanalo kontra Utah Jazz, 128-125, Miyerkoles nang gabi (Huwebes sa Pilipinas).

Sa panayam ng ESPN kay Butler, sinabi na ayaw niyang makasira sa paglalaro nito kasunod ng hindi pagdalo sa mga training camp dahil na rin sa iniindang injury.

“Because my body is hurting and I don’t want to go out there and risk an injury, people make stuff up? What are they going to do when I show up and hoop on Friday?” sabi ni Butler.

Sa Biyernes ay tutungong Bay Area ang Timberwolves para harapin ang Golden State Warriors.

Wala pa ring ginagawang aksyon ang pamunuan ng Timberwolves tungkol sa trade ni Butler pero may tatlong koponan na nagbigay ng interes dito, ang Houston Rockets, Mia­mi Heat at Philadelphia 76ers.

May mga usap-usapan din na mismong si Timberwolves president at coach Tom Thibodeau ay hindi pa handa na maging seryoso tungkol sa napapa­balitang trade.