Una sa Balita

Trabaho sa SC suspendido sa Enero 9

0 479

IDINEKLARA ng Supreme Court (SC) na suspendido ang trabaho ng mga empleyado sa lahat ng korte sa Maynila kasunod ng selebrasyon ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9.

Sa advisory ng SC, nakasaad ang “authorized the suspension of work in the Supreme Court, the Court of Appeals, the Regional Trial Courts and the Metropolitan Trial Courts in the City of Manila on January 9, 2019, Wednesday.”

Minabuti ng SC na suspendihin ang trabaho dahil na rin sa magi­ging mahirap ang pagbiyahe papun­ta sa mga korte sa Maynila dahil sa Traslacion.

Sinundan rin ng SC ang Executive Order, inisyu ni Manila Mayor Joseph Estrada na nagsuspinde sa trabaho ng mga empleyado ng Manila City Hall at klase ng mga estudyante sa lahat ng antas na pampubliko at pribadong paaralan.

Maliban na lamang doon sa mga empleyado sangkot sa traslacion.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy