Una sa Balita

Trabaho sa Denmark pinagpalit ng OFW sa DOTr

0 429

HINANGAAN ang kabayanihan ng isang engineer na tinalikuran ang malaking sahod sa ibang bansa para bumalik sa Pilipinas at maglingkod sa bayan.

Noong Lunes, Nobyembre 4 ay nagsimula na si Deo Miranda sa kanyang trabaho bilang Engineer IV sa LRT-2 East and LRT-2 West Project Teams.

Iniwanan niya ang kanyang trabaho sa He Denmark at bumalik sa bansa para kumayod.

“We are here to support our current adminis­tration who has the vision and commitment to achieve the comfortable mass transport for Filipinos,” ayon kay Deo matapos makatanggap ng tawag na kinukumpirma ang kanyang trabaho sa gobyerno.

“Para sa akin, bayani ang mga OFWs. Bayani sila dahil sila ay nagsasakripisyo at nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maiahon ang kani-kanilang pamilya sa hirap. Ngunit talaga ring nakakaantig ng puso kung ang isang OFW, kahit sobrang laki ng kinikita sa ibang bansa, magde­desisyong bumalik at tumulong sa bayan at magsabing: Pilipinas naman,” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.

Nabatid na si Deo at iba pang OFW engineer ay nakipagkita sa mga DOTr at iba pang transport official sa ASEAN Convention Center sa Clark, Pampanga noong Hulyo 2019 at pinag-usapan ang transit system sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy