Una sa Balita

Trabaho sa construction industry

By
0 425

Idineklara pong ‘National Construction Month’ ang buwan ng Nobyembre sa bisa ng Proclamation No. 115 bilang pagkilala sa sa papel ng construction industry sa ating kaunlaran.

Batid po natin na kapag maraming proyektong pang-imprastruktura sa bansa, marami ring trabahong mapapasukan ang ating mga kababayan.

Kaya’t binabati po natin ang Philippine Constructors Association sa pagdaraos ng ‘29th Philippine International Construction Equipment, Building Materials, Products Exhibition and Technology Forum’ sa SMX Convention sa Pasay noong isang linggo.

Magandang hakbang po ito para tiyaking de-kalidad at hindi bara-bara ang ating mga proyektong pang-imprastruktura sa bansa.

Paalala rin po ito sa ating mga ahensya sa gobyerno, lalo na sa MMDA, na pagplanuhang mabuti ang mga itinatayong proyekto gaya na lang po ng mga footdridge sa Metro Manila na tila labas sa standards at delikado para sa mga pedestrian.

Malaki po ang maitutulong sa pagpapabuti ng construction industry ang agarang pagpapatupad ng Republic Act 11058 o ang Occupational Safety and Health Standards (OSH) Law na isinulong natin sa Senado.

Karamihan po kasi sa mga nasa construction ay exposed sa trabahong ‘3D’ o ‘dirty, difficult and dangerous’ at kung may sapat na mga Protective Personal Equipment ang mga manggagawa, mababawasan ang aksidente na maaaring magpabagal sa mga proyekto.

Muli po tayong nanawagan sa DOLE na apurahin ang pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng OSHS Law para tiyaking ligtas ang ating mga construction worker sa kanilang trabaho.

Ito po’y kahit pa umaabot sa halos 100,000 kada taon ang mga kababayan na­ting kumukuha ng mga construction-related courses sa TESDA.

Kung magtutuloy-tuloy po ang Build, Build, Build Program ng pamahalaan, posibleng magkaroon po ng shortage ng mga manggagawa dahil tinatatayang 1.1 milyon ang kailangan taon-taon para sa cons­truction sector.

Kapag naisabatas na po ang ating panukalang Senate Bill No. 1431, maitataguyod ang ‘Philippine Labor Force Competencies Competitiveness Program’ na makakatulong para tiyaking may sapat na bilang ng mga manggagawa na tutugon sa pangangailangan ng ating mga industriya.

Job Fair Schedule – 7th Call Center Job Fair Cogon Ramos Gym, Cebu City – Nobyembre 12. (senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy