Una sa Balita

Trabaho para sa mga PWD isusulong ni Bam

0 165

IGINIIT ni Senador Bam Aquino na dapat dalawang porsyento ng lahat ng posisyon sa gobyerno ay ireserba sa persons with disabilities (PWDs).

Dahil dito, isinusulong ni Aquino ang panukala na mag-aamyenda sa mga probisyon ng RA 7277 o Magna Carta for Disabled Persons upang itaas ang availability ng job positions para sa mga PWD sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

“Through this legislation, the government offices will be mandated to ensure that two percent of their employees comprise of PWDs whereas private organizations will be required to employ a workforce, at least 1% of which is made up of PWDs,” saad ni Aquino.

Sa kanyang Senate Bill No. 1249, inoobliga ang lahat ng tanggapan na ireserba sa mga PWD ang dalawang porsyento ng kanilang workforce.

Sa kasalukuyang batas, isang porsyento lamang ng regular at non-regular positions ang laan para sa mga PWD.

Sa private sector naman, isang porsyento dapat ang nakalaan para sa mga PWD.

“As we forge onward in buildin­g the nation better and stronger, we must take the necessary steps to ensure that we are building an inclusive society where no sector is left behind from the gains of development,” giit ni Aquino.

“This bill will allow PWDs more meaningful and productive participation in society. Furthermore, an increased PWD presence in all workforce aims to heighten public awareness and consideration for the rights of PWDs,” dagdag ng mambabatas. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy