Una sa Balita

Trabaho para sa kababaihan

0 464

Ipinagdiriwang po natin ang National Women’s Month ngayong buwan ng Marso bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa ating lipunan.

Malaki po ang naging ambag ng ganitong pagdiriwang sa pag-aangat ng dignidad ng kababaihan at ang paglaganap ng patas na trato sa trabaho at karagdagang benepisyo para sa kababaihang manggagawa.

Sa katunayan, ilang industriya po ang nagbukas ng pintuan sa mga female worker para gampanan ang mga trabahong dati-rati ay tanging kalalakihan lamang ang nakakapasok, tulad ng sa automotive, welding at electronics.

Isang halimbawa po ang Meralco na sa kauna-unahang pagkakaton ay tumanggap ng mga linewomen noong 2013, bunsod na rin ng isinulong nating programa sa TESDA.

Ayon po sa mga datos ng TESDA, mas marami ang mga babaeng nag-enrol at nakagraduate kumpara sa mga lalaki.­ Sa kabuuang 1.6 milyong­ tech-voc graduate noong 2016, 52.59% ang kababaihan samantalang 47.41% lang ang kalalakihan.

Ibig sabihin, mas marami pong kababaihan ang nae-engganyo ngayong mag-training para makapasok sa trabaho o makapagsimula ng negosyo. Kahit sa bilang ng mga OFW, ‘di hamak na mas nakararami rin po ang kababaihan.

Ito ang dahilan kung bakit pang-walo ang Pilipinas sa listahan ng 149 na mga bansang may pinakamataas na bahagdan ng kababaihan sa larangan ng labor participation.

Subalit hindi po sapat na maraming kababaihan ang nagtatrabaho at nagnenegosyo. Marami pang dapat gawin at ayu­sin upang maitagu­yod ang karapatan ng kababaihan kaalinsabay ng pagpapatatag ng pamilya at tahanang Pilipino.

Mula pa noong na­ging kinatawan tayo ng CIBAC Party List ay tinutukan na natin ang mga batas para sa kababaihan tulad ng AntiViolence Against Women and Children Act at Magna Carta of Women.

Sa Senado, nakipagtulungan tayo sa ating mga kasamahan para mapataas sa 105 araw ang paid maternity leave sa bisa ng Expanded Maternity Leave Law.

Kaugnay nito, nais din po nating amiyendahan ang Labor Code upang mailipat ang maternity leave benefit ng isang babaeng manggagawa sa kanyang asawa sa sandaling bawian ito ng buhay dahil sa panga­nganak. Ayon po sa UNICEF, 11 babae ang namamatay kada araw sa bansa dahil sa komplikasyon sa panganganak. Bukod dito, patuloy din po nating iginigiit ang pagpasa ng Senate Bill No. 1299 upang ang 100% ng service charges ng mga hotel at restaurant ay paghati-hatian na lamang ng mga empleyado. Karamihan po ng makikinabang dito ay kababaihang manggagawa sa mga restaurant at hotel.

Kapag walang diskriminasyon at patas ang trato sa trabaho, benepisyo, at pribilehiyo para sa kababaihan, lalong tatatag ang pamilyang Pilipino, lalakas ang ating mga industriya, at yayabong ang ating ekonomiya.

Job Fair Schedule
Metro Naga PESO Job Fair
Brgy. Del Rosario, Naga City, Camarines Sur
March 12

Saint Francis Xavier College Job Fair
Brgy. 4 San Francisco, Agusan del Sur
March 13

PESO Bacolod City Job Fair
Brgy. Taculing, Bacolod City
March 14

Meycauyan College Job Fair
McArthur Hi-way, Meycauayan, Bulacan
March 15

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy