Una sa Balita

Trabaho pa more para bawas tambay – Villanueva

0 2,380

MAS maraming trabaho ang kailangan pang gawin ng gobyerno upang mabawasan pa ang unemployment at underemployment sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel Villa­nueva kasabay ng pagmamalaki sa resulta ng 2018 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority kung saan lumitaw na tumaas ang employment rate ng bansa sa 94.7% noong Enero kumpara sa 93.4% noong 2017.

“The results of the survey show that increasing employment opportunities in the country is doable. The 1.3% increase of the employment rate from last year is most especially welcome, since our advocacy has been to improve job opportunities for Filipinos,” saad ni Villanueva.

Abante Hiring – IT dep

Idinagdag pa ng chairman ng Senate committee on labor, employment, and human resources development na sa 2.4 million net employment na naibigay noong Enero, 841,000 sa ilalim ng agriculture sector, 719,000 sa industry sector na karamihan ay sa construction na may 424,000 na trabaho at 269,000 sa manufacturing habang 847,000 na trabaho sa services sector. (Dang Samson-Garcia)