Una sa Balita

Trabaho ngayong Kapaskuhan

By
0 254

Talagang ramdam na po ang Christmas rush kaya’t dumodoble na rin ang bilang ng mga manggagawa lalo na sa mga mall at restaurant dahil sa pagdagsa ng mga customer.

Tuwing sumasapit po ang mga major holiday tulad ng Pasko at Bagong Taon, marami pong kompanya ang nag-aalok ng mga ‘seasonal job’ para sa mga skilled at non-skilled worker.

Dahil tumataas po ang demand ng serbisyo tuwing Pasko, nanga­ngailangan po ng dagdag na mga sales representative, cashier, merchandiser, food server sa mga hotel at restaurant at ma­ging mga technical support representative sa IT-BPO industry.

Sa pagtataya po ng JobStreet, aabot sa 200,000 na mga seasonal worker ang hinahanap ngayon ng mga employer at pagkakataon po ito para magkaroon ng extra income at job experience ang ating mga kababayan.

Oportunidad din po ito sa mga estudyante na makapag-part-time job sa halip na magbakasyon ngayong Christmas break para makaipon ng panggastos sa eskuwela.

Kaya’t inaasahan po nating rerespetuhin ng mga employer ang karapatan ng mga seasonal worker at ito po ang dahilan kung bakit patuloy nating isinusulong ang Senate Bill 1826 o ang ‘Security of Tenure Bill.’

Nakasaad po sa ating panukala na dapat ituring ding regular kahit ang mga seasonal employee para makatiyak ang ating mga kababa­yan na may babalikan silang trabaho sa parehong season sa susunod na taon.

Related Posts

Subalit gusto po na­ting bigyang-diin na kahit regular na ang mga seasonal worker, ‘no work, no pay’ pa rin po ang susunding patakaran.

Ibig sabihin, hindi po kailangang magpasuweldo o magbigay ng benepisyo tulad ng SSS at Pag-Ibig ng kompanya sa panahong walang maipatrabaho ang employer o naka-leave of absence ang seasonal employee.

Para po sa mga inte­resado sa mga seasonal job ngayong kapaskuhan, maaari po kayong bumisita sa mga job application website gaya ng Jobstreet.com, JobsDB.com, at PhiljobNet.ph kung saan puwede rin po kayong mag-apply online.

Job Fair Schedule:
Bacarra Job Fair – Philip Corpus Velasco Civic Center – Bacarra, Ilocos Norte – Nobyembre 26

LGU Cotabato City Job Fair – People’s Pa­lace Hall – Cotabato City – Nobyembre 26

PESO-LGU Taguig City Job Fair – PESO Office, Taguig City – Nobyembre 27

Bugallon Job Fair on Wheels – Prof. Espino Multi-Purpose Gym – Bugallon, Pangasinan – Nobyembre 27

PESO CDO Job Fair – Brgy. 30 Covered Court – Ebarle St., Cagayan de Oro City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy