Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trabahador nalunod sa dam

0 52

Nasawi ang isang laborer matapos itong malunod nang aksidenteng mahulog sa dam dahil sa sobrang kalasingan sa Infanta, Quezon Lunes ng gabi.

Martes na ng umaga nang madiskubre ng isang fishpond owner ang bangkay ng biktimang si Gaspar Larita, 50, residente ng Barangay Dinahican, na nakalutang sa irrigation canal.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima alas-11:00 ng gabi, nang magpaalam na uuwi na mula sa dinaluhang birthday party ng isang kaanak.

Ayon sa pamangkin ng biktima, sobrang lasing ng biktima kaya posibleng nahulog ito habang tumatawid sa irrigation canal pauwi ng bahay.

Walang nakitang anumang sugat sa biktima at lumalabas sa pagsususri na pagkalunod ang ikinamatay nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.