Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trabahador bumulusok sa building, tigok

0 63

Patay ang isang construction worker matapos mahulog mula sa itaas ng ginagawang building sa Calamba City, Laguna Lunes ng hapon.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Jay Llorin Tamenio at binawian na ng buhay matapos bumagsak sa konkretong sahig.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba City police, nasa tuktok ng ikinakabit na I-beam ang biktima kasama ng isa pang trabahador nang malaglag ito.

Duguan at walang malay itong bumagsak sa taas na tinatayang nasa 20 feet.

Sinubukan pa itong i-revive subalit idineklara nang patay ng mga nagrespondeng tauhan ng Calamba City DRRMC. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.