Una sa Balita

‘TR Bexan XP Capsule’ kampeon sa MCC Derby

0 342

MATAGUMPAY ang 21st MCC 7-Stag Breeders Festival (Season 3), hatid ng Manila Cockers Club Incorporated, sa world-class Cockers Arena sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) kung saan ay solo champion ang Thunderbird endorser na si Teng Rañola gamit ang kanyang entry na ‘TR Bexan XP Capsule’.

Umiskor si Rañola ng 6.5 points sa derby na tinawag ding ‘Dr. Teddy Tanchanco (TJT) 7-Stag Tribute Derby’ na sumiyapol nitong Nob. 2-10 kontra tigasin ding mga breeder gaya nina Joey Fontanilla/Tin Francisco (JKA Dragon Fire), Roger Jamisola (CP’s Amazing Rojam), Victor Gregorio (Wow Birds) at Alejo Castillo/Ghie Borabien (AMC Alyssa Raine and SAP Stryker).

Bilang bahagi ng MCC grand BER-months circuit derby, nabiyayaan ang mga nagwagi ng garantisadong P6 million bilang participating breeders assistance fund (PBAF), at P1 million na additional breeders assistance fund (ABAF) para sa mga regular member na nakatapos sa buong derby.

Miyembro ng MCC si Rañola at regular na nagpapartisipa sa mga cockfighting event sa nagdaang dalawang taon.

Ang nasabing tribute derby ay inorganisa ng Manila Cockers Club, Thunderbird at ni ­Sabong Nation host Havy Bagat­sing.

Dati ring bahagi ng sikat na cockfighting show si Dr. Tanchanco, mas kilala bilang Doc Teddy, kung saan ay may iba’t iba itong segment tungkol sa tamang gamefowl preparations, conditioning,­ medication, breeding, incubation at iba pa.

Tumanggap ng do­nasyon mula sa MCC ang anak ni Dr. Tanchanco na si Tomas Tanchanco at asawang si Bambi Inocencio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy