Una sa Balita

Toyota Rav4 depektibo, pina-recall

0 423

Pinare-recall ng Toyota Motor Philippines Corp. ang ilang mga Rav4 units nito para mapalitan ang airbag inflator sa driver seat.

Ayon kay TMPC Vice President Rommel Gutierrez sa liham kay DTI Consumer Protection Group Director Domingo Tolentino, 1,157 units ng Rav4 ang sakop ng recall na June 6, 1997 hanggang August 17, 1999 ginawa. Ang liham ay may petsang February 4, 2020.

Ang mga inflator ng airbag na papalitan ay walang phase stabilized ammonium nitrate (PSAN) propellant at maaring maka-absorb ito ng moisture over time. Kapag nagka-moisture kasi ang propellant, baka hindi ito lumobo sa oras na dapat itong mag-inflate o di kaya’y baka pumutok lang ito.

Sabi ni Gutierrez, hindi pa nakokompirma ng Toyota ang Defect Information Report ng Takata tungkol dito na lumabas noong November 26, 2019. Dagdag niya, naniniwala ang Takata na may koneksyon ito sa foil seal ng inflator.
Kung hindi tama ang pag-deploy ng airbag, maari pang masaktan ang driver kapag nabangga.

Sabi ni Gutierrez, papalitan ng TMPC ang mga airbags sa driver seat ng mga naturang Rav4 nang libre. Kasalukuyang hinahanda ng Toyota ang mga replacement parts at titimbrehan nito para dalhin ang kanilang mga sasak­yan sa Toyota dealer kung handa na ang mga ito. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More