Una sa Balita

Toyota PUV mas swak pang food truck

0 232

SUMABLAY sa mata ng publiko sa unang pagkakataon (kung hindi ako nagkakamali) ang Toyota Motors Philippines nang ilunsad nito ang sariling bersiyon ng modernized jeepney.

Totoo naman kasi na kahit sa unang tingin pa lamang ay hindi na ­uubra na pampasada bilang pamalit sa mga dyip ang Toyota Hilux ­pick-up na kinabitan ng saradong kaha sa likod para maipuwesto ang mga pasahero.

Halatadong ­minadali ng Toyota ang ­naturang disenyo dahil bagama’t sila ang ­pinakamaraming sasakyan na ­tumatakbo sa mga kalye sa ­bansa, sila na lamang ang ­hindi ­nakakapaglabas ng ­disenyo para sa ­modernized PUVs.

Marahil ay nakantiyawan ng matindi ni Transportation ­Secretary Arthur Tugade ang ­Toyota kaya ura-uradang ­naglabas ng modelo.

Pero sa halagang ­halos umaabot na rin ng P1 mil­yon kada unit, kung ako naman ang ­operator ng pampasadang sasakyan, mas ­gugustuhin ko na lang siguro na ­kumuha ng Hi-Ace Commuter van at ibang kauri na mga ­sasakyan.

Mas maporma, at mas komportable kasi ang mga pasahero sa van kumpara sa modernized jeep ng Toyota kaya kung gagastos lang din naman ako, doon na ako sa hindi ako mababaterya ng mga pasahero ko.

Hindi kasi porke’t nag-aalok ka ng aircon na sasakyan ay sapat na ito para masabing ­nakiisa ka sa ­programa ng gobyerno para ­maiangat ang kalidad ng commuting system.

Uubra siguro ang mo­delong ‘yan sa mga negosyong jollicart o ‘yaong mga ­nagtitinda ng ulam sa loob ng Makati CBD ­dahil ­puwede itong malagyan ng isang mesa sa loob na ­puwedeng ­mapuwestuhan ng mga gustong mag-dine in at lagariin na lamang ang gilid sa kanan upang makabitin ng eskaparate ng mga ulam.

Ayos ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy