Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Toyota Hiace niratrat sa Caloocan, 2 bulagta

0 37

Isang lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang babaeng kasama niya nang pagbabarilin sila sa Caloocan City nitong Miyerkoles.

Pinagbabaril ang dalawa ng hindi pa nakikilalang gunman sa kahabaan ng 5th Ave­nue at M.H. Del Pilar Street sa Grace Park.

Sakay ng puting Toyota Hiace van ang mga biktima at dalawa pa nilang kasamahan at patungo sanang Valenzue­la City nang paputukan ng salarin ang kanilang sasakyan, ayon sa isang ulat.

Dead on-the-spot ang hindi pa natukoy na lalaking driver habang isinugod sa ospital ang babaeng pasahero dahil sa natamong sugat sa bala.

Hindi naman nasaktan ang dalawa pa nilang kasama.

Sa ngayon, iniimbes­tigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaril maging ang pagkakakilanlan ng suspek. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.