Una sa Balita

Townhouse ng aktres nasunog

By
0 8,027

Nasunog ang townhouse na tinitirhan ng aktres na si Jana Victoria. Si Jana ang leading lady ni Piolo Pascual sa pelikulang Lagarista.

Kuwento sa akin ni Jana, bandang 2:30 am daw nag-start ang sunog sa attic ng katabing bahay nila sa Valle Verde 6.

“Still shocked!” sabi ni Jana nang kumustahin ko ang kalagayan niya at ng anak niyang si ­Jordana Brielle.

“Nagising ako ng 2:30 am dahil sa amoy ng sunog. Then went outside para mag-check kung ano’ng nangyayari. Then nakita ko nga ‘yung usok na lumalabas sa attic ng katabing bahay namin.

Kaagad daw na bumalik sa loob ng kanyang bahay si Jana para gisingin ang natutulog na anak.

“Lumabas na kami ng anak ko dahil nasusunog na rin ‘yung room namin. Wala akong nailigtas sa mga gamit namin.

Laptop at cellphone lang ang nadala ko, pero okey lang kasi ligtas naman kami ng anak ko,” sabi pa ni Jana.

Nang nasa labas na sila ng kanilang bahay, nakunan pa ng video ni Jana ang nasusunog nilang bahay.

After din ng sunog, nakunan din ni Jana ng pictures ang loob ng bahay na may mga hindi man nasunog na bagay, nabasa naman at malabong mapakinabangan na.

Sa ngayon, inaayos pa ni Jana ang iba’t ibang mga bagay tungkol sa nasunog na bahay.

Last year, yumao rin ang nanay ni Jana na matagal ding na-confine sa ICU ng isang ospital.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy