Una sa Balita

Tourist boat tumaob sa Palawan

0 357

NA-RESCUE ang limang turista at pitong crew ng isang tourist boat makaraang tumaob ang sinasakyang M/B Mark Grace 15 sa Honday Bay sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay Lieutenant Commander Christian Jazmin, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard District Palawan, naganap ang aksidente bandang alas-12:00 Biyernes ng tanghali nang makatanggap sila ng tawag at agad na nagsagawa ng search and rescue operation.

Pawang mga turista mula sa Quezon City ang mga nasagip.

Ayon sa mga biktima, nasa kasagsagan pa ng pag-uulan nang pumalaot sila para puntahan ang magandang isla ng Honda Bay subalit habang papunta na sa lugar ay isang malaking alon na may kasamang hangin ang biglang nagpataob sa kanilang bangka.

Ligtas na na-rescue ang mga biktima mula sa mga tumulong na tourist boat at coast guard. (Vick ­Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy