Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tourism front liner unahin sa testing

0 199

Makakatulong sa mabilis na pagbangon ng turismo sa bansa kung palawakin at bilisan na rin ang pagsasagawa ng COVID testing sa mga tourism frontliner.

Ayon ito kay House Speaker Alan Peter Cayetano kasabay ng pagsuporta nito sa plano ng National Task Force against COVID-19 na palawakin pa ang testing strategy na sumasaklaw sa ‘non-medical frontliners’.

Hiniling rin ni Cayetano sa Department of Tourism (DOT) na makipag- ugnayan sa Task Force Test, Trace, Treat (T3) at kanilang private sector partners upang mapabilis ang plano para sa pagsagawa ng COVID19-testing para sa mga worker na nasa pangunahing tourist destinations sa bansa.

Umaasa si Cayetano na sa pagtaas ng testing capacity sa bansa, mapasama na ang mga tourism workers sa ‘expanded testing program’ upang manumbalik ang tiwala ng mga domestic tourist sa muling pagbubukas ng economic activities sa mga susunod na buwan.

Unang nang ipinahayag ng DOT na gawin ang ‘domestic leisure travel’bilang pambawi sa pagbangon ng turismo sa bansa.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.