Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Totoo na ba? Lovi bilang Kapamilya, abangan

0 144

Kahapon ay one week nang naka-quarantine si Lovi Poe sa isang hotel sa may Pasay City pagkatapos niyang bumalik sa bansa from Los Angeles, California kung saan ay nakasama niya ng ilang weeks ang Hollywood producer na boyfriend niya, ang British na si Montgomery Blencowe.

Sey ni Lovi, hindi pa rin siya masyadong nakakapag-adjust dahil may jet lag pa rin siya at minsan ay gising na siya ng 2:00 am dahil maaga rin siyang nakakatulog. May time na 8:00 pm pa lang tulog na siya.

Masaya lang si Lovi dahil madalas siyang mag-eat habang naka-quarantine. Mahilig kumain ang aktres kahit pa nga napaka-sexy niya. Madalas nga niyang sabihin na ‘happy tummy’ siya dahil nakakain niya ang mga pagkaing gusto niya.

Ma-exercise nga lang si Lovi, kaya hindi siya tumataba kahit ma-rice rin siya.

Nothing to worry naman na tataba si Lovi sa 10-day hotel quarantine niya dahil may exercise machines siyang ginagamit sa room.

Panay nga ang treadmill niya, kaya ok lang na lumafang sjya, huh! Ang dami rin naman kasing nagpapadala ng pagkain sa kanya habang naka-quarantine.

After sa hotel, ipagpapatuloy ni Lovi ang 14-day quarantine niya sa bahay at pagkatapos ay may mga aasikasuhin siya sa bago aalis uli next month para mag-shooting sa United Kingdom ng Hollywood-British movie na ‘The Chelsea Cowboy’. Isa nga siya sa magbibida sa Hollywood-British movie na ‘yon. Gagampanan niya ang role ng legendary blues singer na si Dana Gillespie.

Nang mapag-usapan namin ang tungkol sa big break niyang ‘yon sa international market, nabanggit ni Lovi na very thankful siya dahil maraming mga taong nagsasabing masaya sila para sa kanya.

Naku, I’m sure, may iba kayong gustong mabasa (ang balitang magiging Kapamilya na si Lovi), pero wait and see na lang kayo tungkol sa bagay na ‘yon, huh!

‘Yun na!

Beauty queen-actress chumaka sa poster, nairita

Naku, Dondon (my dear editor), may tsikang nairita raw ang isang former beauty queen turned actress sa poster ng isa niyang project.

Hindi raw niya nagustuhan ‘yon, kaya naglambing sa kanyang producer na mag-pictorial siya uli.

Pinagbigyan naman daw ang wish niya, kaya siya na ang bumuo ng kanyang team at ang bongga naman ng kinalabasan.

In fairness, mas maganda ang poster ngayon ng project na ‘yon ni former beauty queen turned actress, huh!

Sabi nga ng mga kaibigan niya, mabuti at nag-react siya dahil mas gumanda ang dating ng kanyang project, huh!

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.