Una sa Balita

TOTGA nina Dennis, Rhian, Lovi, Max kopya sa Latino film?

By
0 2,214

Ang 2003 Latino comedy film na may titulong Cha­sing Papi ang naalala namin noong makita namin ang trailer ng bagong rom-com serye ng GMA 7 na The One That Got Away.

Sa pelikulang Cha­sing Papi, kuwento ito ng isang successful advertising executive/playboy bachelor na si Tomas Fuentes (played by Eduardo Verastigue) na pinagsabay-sabay syotain ang tatlong babae na nakatira sa iba’t ibang cities sa US. Ito ay si Cici (played by Sofia Ver­gara) isang cocktail waitress na taga-Miami; Patricia (played by Jaci Velasquez) isang anak mayaman na taga-New York; at Lorena (played by Rosalyn Sanchez) na isang lawyer na taga-Chicago.

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagtagpo-tagpo ang tatlong babae para bisitahin si Eduardo na biglang hinimatay at nawalan ng malay sa sobrang stress at nerbiyos nang makita niya ang tatlong babae sa pamamahay niya.

Halos ganito ang takbo ng istorya ng The One That Got Away, pero dahil ‘original concept’ daw ito, sige pagbibigyan na lang namin ang claim ng mga writers ng teleser­yeng ito.

Anyway, nilabas nga raw ng tatlong leading ladies ni Dennis Trillo ang kanilang pagiging komedyante. Mas nakilala nga kasi sa drama sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins. This time, subukan naman daw nilang magpatawa.

Para naman kay Dennis, welcome change ang role niya as Liam dahil pahinga muna raw siya sa mga mabibigat na roles on television.

“Gusto ko muna ng ganito na light drama na may comedy.

“Masyadong mabi­gat ‘yung last teleserye ko na Mulawin vs. Ravena. Lagi akong galit doon at sumisigaw. Dito tamang chillax lang ang ginagawa natin.

“Parang katulad sa ginawa ko sa Juan Happy Love Story with Heart Evangelista. Relax na relax ang role at hindi nakaka-stress,” ngiti pa ni Dennis. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy