Una sa Balita

TOTGA busog sa kalokohan

By
0 1,773

KUWENTO: Nagsimula sa away ng tatlong babae, nang dahil lang sa isang lalake. Sina Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins ang mga bida sa The One That Got Away (TOTGA) ng GMA 7, na nag-agawan sa isang lalaki, si Dennis Trillo.

Lahat sila ay umasa na magiging sa kanila ulit si Liam, ang karakter ni Dennis. Hanggang sa naging magkakaibigan ang tatlong bidang babae.

Si Dennis ay napunta kay Lovi. Si Rhian ay napunta kay Jason Abalos, ang kapatid ni Lovi sa kuwento. At si Max ay napunta kay Ivan Dorschner.

Siyempre, hindi kumpleto ang teleserye kung walang kontrabida. At dito na pumasok ang karakter nina Solenn Heussaff, na ex-girlfriend din ni Dennis. At pati na si Renz Fernandez, na sa simula ay nagpanggap na lalaki, nanligaw kay Lovi, at sa huli ay lumabas ang totoo, na isang bading, at nagkagusto kay Dennis.

Sa huling linggo ng TOTGA, magkatuwang sina Renz at Solenn sa balak na pagsira sa mga bida. Parehong may topak sa ulo ang dalawang karakter na ito.

Pero sabi nga, tulad ng lahat ng kuwento, ang kasamaan ay hindi nagwawagi. Pero sa totoo lang, kahit napakasama ng mga balak, o tumatakbo sa isip ng mga kontrabidang ito, pero dahil sa kakaibang pag-atake, na idinaan sa komedya, hindi ka magagalit sa mga kalaban.

Sa huling gabi ng TOTGA, sa halip na magalit sa mga kalaban, naaliw ang manonood. At siyempre, ang triple wedding ek-ek ang dapat na magandang finale. Tulad ng sangkatutak na teleserye na nakita natin, ang ‘kasal’ ang pinaka-perfect na eksena sa pagtatapos.

Pero sabi nga, bitin pa rin ang manonood. Sumisigaw sila ng part 2.

REBYU: Mula simula, lutang na lutang ang intensiyon ng mga tao sa likod ng TOTGA na patawanin ang mga manonood. Hindi nga ito ang teleserye na sisikip ang dibdib mo pagkatapos ng isang episode, o ng isang buong linggong kuwento.

Ang daming natutunan ng mga kababaihan dito. Sa karakter pa lang ni Rhian, na sobrang harot, ang daming naka-relate, na oo nga, ang babae, may karapatan ding iparamdam ang gusto nila, at hindi sila dapat magtago sa imahe na dapat ay mahinhin lang sila, o hindi nagpaparamdam ng pagkagusto sa mga lalaki.

Tagumpay ang TOTGA sa kabaliwan na gusto nilang iparating, and at the same time, wagi rin ang pagpapakalat nila ng mga makabagong uso ng pananamit. At siyempre, nakuha rin talaga nila ang atensiyon ng mga kalalakihan, dahil ang mga bidang babae, palaban sa pagpapasilip ng ka­seksihan. At lalo na rin ang mga lalaki, dahil sina Dennis, Jason at Ivan, hindi pumayag na hindi maghubad at mang-akit ng mga manonood na babae.

Pero ‘yun na nga, bitin pa rin ang mga manonood. They want more pa sana…

SANA: Sana raw ay pinaabot ang kuwento na nagka-baby na ang tatlong bida. Gustong makita ng mga manonood kung paano naman sila maging ina. At malay mo nga naman, may part 2 talaga, at mga nanay na sila.

Kasi nga, bitin pa rin talaga ang mga manonood…

ANSABE NILA: “Our nights will never be the same again. Haay dami mami-miss. #TOTGAExcitingFinale,” – Bolt.

“Gab Marie!!! Hell hath no fury like a gaga engaged. Hahahaha!’ — Rachey.

“Part 2 please!” — Its Gabbi

“She’s so natural, sexy and talented. Love you Solenn Heussaff.” — Mariz

“Ayoko pa matapos ang TOTGA, sad.” — iamangelica.

“Hoy ang funny ng TOTGA away. LMAO!” – cuhrts.

“Is this really the end? Nakakalungkot. I’m gonna miss Lovi Poe for sure. She’s my freaking idol, I swear. Huhuhu!” — Emilia Ruru Villa Vi.

“For almost half a year, you championed my TV viewing experience. Yoh mah MVP. Thank you TOTGA. Thank you GMA. Thank you SoEl fam!” – misTiffany.

“Hahahaha! Natawa ako sa joke ni Gab Marie!” Rhian Ramos

“Kakabugin naming ang Royal Wedding ni Prince Harry at Meghan Markle. Charot! Hahahaha! Don’t miss tonight!” sabi ni Lovi Poe.