Una sa Balita

Total lockdown ipinatupad sa Jolo, Sulu matapos ang kambal na pagsabog

By
0 784

ISINAILALIM sa ‘total lockdown’ ang Jolo, Sulu matapos ang malagim na magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan na kumitil sa 20 katao at ikinasugat ng 98 iba pa.

“Total lockdown sa Jolo, Sulu kaya makita natin walang tao at sarado mga tindahan. Kapag nag-normalized doon tayo mag-lower ng alert status. Usually halos walang mga tao sa labas para ma-contain itong lugar. Meron tayong mga road blocks checkpoints at yung tropa naman natin kahit na ‘yung AFP at PNP sapat naman mga numbers. We have enough troops, 2 battalions of SAF,” paliwa­nag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na nagtungo nang personal sa Jolo upang siyasatin ang lugar ng pinangyarihan at upang tingnan ang ginagawang imbestigasyon sa pangyayari.

Dagdag pa ni Albayalde na kung bakit nalusutan ang pambobomba ay dahil posible umanong nag-relax ang security forces sa lugar matapos maging normal ang sitwasyon.

“Probably naging normal dito for so many years, walang insidente kaya medyo relax security at the same time sino ba mag-aakla na simbahan ito although may mga incidents. The worst was 2011 may sinalpak sa altar pero wala naman nasugatan. Hindi nila naisip na ipapasok ito sa place or worship,” pahayag ng opisyal.

“May mga tinitingnan na rin silang grupo bukod sa may mga nagsasalita na sila may gawa kaya ti­tingnan nating lahat ‘yan. Marami kasi pwede ma-involve na threat groups. At kapag na-reconstruct na IED then malalaman natin kung sino gumawa, kung paano pagkagawa, substance na explosive so makikita usually may mga signature bomb ang mga ‘yan,” sabi ni Albayalde.

“Sa ngayon wala pang masabi kung ano klaseng bomba dahil walang mga narekober na residue although may mga nakuha silang parts na cellphone pero hindi pa nila masabi kung cellphone detonated. Most probably cellphone detonated,” dagdag ng opisyal.

Bukod sa naganap na dalawang magkasunod na pagsabog kamakalawa nang umaga ay may mga threat na rin umanong naganap sa nabatid na simbahan base sa salaysay ng pari ng simbahan kay Albayalde. Ayon sa pari, mga pito o walong beses na umanong may naganap na threat sa simbahan na kadalasan ay paghagis ng granada sa labas nito.

Sa salaysay ng mga saksi kay Albayalde, mahigit sa 100 ang tao sa loob ng Jolo Cathedral nang pasabugin ang unang bomba dakong alas-8:58 nang umaga. Sa ikalawang misa kung saan dagsa ang mga nagsisimba nang mangyari ang kasunod na pagsabog.
Matapos ang unang pagsabog ay agad nagtakbuhan ang mga tao sa main entrance ng simbahan kung saan matapos ang wala pang isang minuto ay sumabog naman ang ikalawang bomba na nasa labas ng simbahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More