Una sa Balita

Total ban sa mga paputok

By
0 495

TULUYAN nang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa lahat ng uri ng paputok sa buong bansa.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa turnover ng 180 housing unit para sa mga sun­dalong Wounded-In-Action (WIA) at mga pulis na Wounded In Police Ope­rations (WIPO) sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi ng Pangulo na maglalabas siya ng isang executive order na magpapatibay sa total ban sa mga paputok.

Hindi na aniya dapat madagdagan pa ang mga Pilipinong napuputulan ng parte ng katawan gaya ng kamay at nasasabugan ng paputok ang mukha.

“I will issue an executive order this early para warning sa lahat that I am banning firecrackers altogether,” anang Pangulo.

Maging ang mga taga-gobyerno na gumagamit ng pailaw at paputok kapag may mahalagang okasyon ay kasama na rin sa utos ng Pangulo para patas at hindi sabihing may kinikilingan sa direktiba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy