Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Torpeng manliligaw ni Jovelyn nagparamdam

0 308

MULI na namang nagparamdam ang secret admirer ni volleybelle Jovelyn Gonzaga.

Sa Instagram story ng 28-anyos na balibolista ay pinasilip nito ang pinadala na namang boquet ng torpe niyang suitor.

Dineliber ang nasabing bulaklak sa kanilang kampo habang atupag ang Pacific Town-Army spiker sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Nitong nakaraang buwan ay may natanggap ding halos kaparehong bulaklak ang dalaga mula sa anonymous sender.

“Thank u sau,” simpleng tugon naman nito sa kanyang social media account.

Inaasahan namang papalo ito sa paparating na Premier Volleyball League season sakaling makahirit na ng ‘go-signal’ mula sa IATF. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.