Una sa Balita

Toronto Raptors ayaw mag-goodbye kay Kawhi

0 434

HINDI pa handang kumaway at mag-gudbay ang Toronto Raptors kay Kawhi Leonard.

Unang season ni Leonard sa Raptors, nagbunga agad ng kampeonato para sa nag-iisang Larry O’Brien trophy ng bansang Canada.

Ngunit malabo pa kung masusundan ang kasiyahan hanggang susunod na season.

Sa parating na free agency period, maaari nang pumirma ang two-time NBA Finals MVP sa koponang naisin nito, may posibilidad na hindi sa Toronto.

Sigaw naman ng kanyang mga kasangga, wala nang mas gagandang pitch para manatili ito sa Toronto kundi ang kanilang pinaghirapang kampeonato.

“I think for us, there is nothing more that we can do. “We’ve done it. The city has done it. This franchise had done it. The coaches have done it. My teammates have done it. We’ve done our job,” ayon kay Raptors guard Fred VanVleet.

“The best way to recruit somebody is to just be yourself over the course of the year, and I would assume that he knows what is here and what makes this place special,” dagdag ng isa sa naging instrumento ng Raptors sa championship, kumahig ng 22 points sa Game 6.

Ayon naman kay sharpshooter Danny Green, mag-iiba ang Raptors sakaling hindi bumalik si Leonard, posibleng makaapekto rin sa desisyon ng ibang manlalaro sa pag-alis ng star player. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy