Una sa Balita

Topnotcher sasabak sa ‘Doctors to the Barrios’ program

0 450

IMBES na magtrabaho­ sa mga pribadong ospital kung saan mala­ki ang kikitain, nagdesisyon ang doktor na si Daniel Cajayon Panaglima na pagsilbihan muna ang kanyang kababayan sa Lubang Island sa Occidental Mindoro.

Si Panaglima ay top 3 sa Physicians Board Examination ngayon taon.

Ayon kay Panaglima, plano niyang sumali sa ‘Doctors to the Barrios’ program ng Department of Health upang mapagsilbihan ang kanyang kababayan sa Mindoro.

Pagkatapos ng isang taon na paninilbihan niya doon ay saka pa lamang niya ipagpapatuloy ang pag-aaral ng internal medicine.

Si Panaglima, isang registered nurse, ay nagtapos ng medisina sa Matias H. Aznar Memorial College of Medicine, Inc. sa Cebu City kung saan siya iskolar.

Anak ng mahirap na pamilya si Panaglima na ang magulang ay kumikita lamang sa maliit na karinderya.

Naghahapunan silang pamilya nang mala­man ang balita na third placer siya sa nakaraang board exam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More