Una sa Balita

Topak nina Cristine, Xian inilantad ni Direk

0 485

Naiintindihan daw ni Direk Sigrid Bernardo ang mga artista niya sa pelikulang UnTrue na sina Xian Lim at Cristine Reyes.

Unang-una, sobrang hirap nga raw ng karakter ng dalawan­g artista sa UnTrue. Parehong may dual personality.

At ibang-iba rin daw kasi ang style ni Direk sa paglikha ng pelikula.

Mas gusto niya nang paulit-ulit na rehearsal, bago ang take.

May mga moment daw na napapagod din ang dalawa sa matitinding rehearsal.

Na ang ending nga, minsan talaga ang lumalabas ang topak, o pitik ng mga artista niya.

Sabi ni Direk, kahit siya man daw ay may pitik din. Kaya naiintindihan niya ang pagod ng mga artista niya.

Saksi nga si Direk nang tila nagalit si Cristine dahil sa paulit-ulit na eksena, rehearsal nila ni Xian. Pero para kay Direk, walang masamang ibig sabihin ‘yon.

At pareho nga raw professional ang dalawa. Parehong magaling na nai-deliver nga raw ang kailangan niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More