Una sa Balita

Topacio bubuweltahan ‘pag itinumba ang ‘Batasan 4’ – Zarate

By
0 396

INUPAKAN ni ­Bayan Muna Rep. Carlos ­Isagani Zarate ang P1M bounty laban sa apat na dating miyembro ng Kongreso.

Pinuntirya ng kongresista si Atty. Ferdinand Topacio na mas­yado umanong ume­epal para mapansin at mapagbigyan sa inaa­sam nito na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

“Una, mariin na­ming kinokondena itong cheap political gimmick na naman ni Topacio. Alam naman natin si Topacio, mahilig umepal sa mga controversial issues. Siguro gusto rin niyang mai-appoint sa posisyon under the present administration katulad ng kanyang mga kasamahan,” pagkokomento ni Zarate sa isang pana­yam kahapon.

Matatandaan na nag-alok ng P1M pabuya si Topacio para sa ikadarakip ng binansagang ­“Batasan 4” na kinabibilangan nina dating Bayan Muna congressmen Satur Ocampo at Teddy Casiño, dating Gabriela Women’s Party Rep. at ngayo’y National Anti-Poverty Commission (NAPC) chairperson Liza Maza gayundin si dating Anakpawis Party-list Rep. at dating Agra­rian Reform secretary Rafael Mariano kaugnay ng kasong double murder sa Nueva Ecija.

Binigyang-diin ni Zarate na mananagot si Topacio kapag may masamang nangyari sa apat.

“We will hold Atty. Topacio personally res­ponsible dahil sa gimik niyang ito ay nalalagay tuloy sa delikado hindi lang seguridad at ma­ging ang buhay ng ating mga kasamahan dahil nilagyan niya ng patong sa ulo. Hindi naman ito mga kriminal na halang ang kaluluwa. Ito ay mga disenteng mamamayan, transparent at malinaw ang kanilang mga na­ging record noong sila ay mga miyembro pa ng Kongreso… at noong sila ay maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte. In fact, si Secretary Maza ay incumbent lead convenor pa siya ng NAPC… nasa NAPC pa siya,” giit ni Zarate.

Muling nilinaw ng Bayan Muna solon na gawa-gawa lang ang kaso laban sa apat para gipitin ang mga ito.

Gayunpaman, hindi naman umano tinatakbuhan ng mga ito ang kaso.

“Kahit na ito ay walang basehan, mga gawa-gawang kaso, hindi ito tatakbuhan ng ating mga kasamahan. Katunayan, naghain na sila ng motion for reconsideration at nana­nawagan tayo ng kag­yat na resolusyon ng motion for reconside­ration na ‘yun at ma­ging sa pamahalaang Duterte ay nanana­wagan na rin tayo lalong-lalo na sa Department of Justice to correct this injustice 12 years ago. Ginamit ito para gipitin ang ating mga kasamahan 12 years ago. Ngayon ni-revive na naman para gi­pitin uli sila,” ani Zarate.

May hirit din ang mi­litanteng solon sa plano ni Topacio na itaas sa P2M ang iaalok na pabuya.