Una sa Balita

Top wanted ng Malolos nadakma sa Rizal

0 311

NADAKIP ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ng Bulacan at Rizal ang No. 1 most wanted person ng Malolos City, na pinaghahanap dahil sa kasong pagpatay, kamakalawa nang hapon.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), naarestong si Eddie Paraiso, alyas ‘Koreano’, 66-anyos, fish vendor, sa kanyang pinagtataguan sa Sitio San Roque, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Emerey Abating, hepe ng Malolos Police, nagsagawa sila ng joint manhunt ope-ration kasama ang pulisya ng Rizal laban kay Paraiso dala ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Crisanto Concepcion ng Regional Trial Court Branch 12 sa Malolos noong Marso 12, 2018 na walang inirekomendang piyansa. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy