Una sa Balita

Top spots sa Bar exam, nasungkit ng KOKOBar alumni

0 3,357

TATLONG estudyante na kumuha ng KOKOBar Lectures, isang serye ng mga huling minutong lib­reng pagtuturo para sa mga kukuha ng Bar exam, ang nakasungkit ng tatlong puwesto sa top 20 ng mga nakapasa sa 2017 Bar exams.

Natamo nina Christianne Mae Balili ng University of San Carlos, Rhea Doll Gonzalo ng Xavier University Zamboanga at Ella Mae Mendoza ng University of Cebu ang ikalawa, ika-15 at ika-17 puwesto, ayon sa pagkakasunod, sa resultang inilabas ng Korte Suprema.

“Binabati ko ang lahat ng mga nakapasa sa 2017 Bar exam! Umaasa akong paiiralin ninyo ang katarungan at ang rule of law sa inyong paglilingkod sa dakilang propesyong ito,” ani Pimentel.

Abante Hiring – IT dep

Naunang inorganisa ni Pimentel, na nanguna sa Bar noong 1990, ang KOKOBar noong 2007 upang matulu­ngang mapataas ang bilang ng mga makapapasa sa pagsusulit.

Itinatampok sa na­sabing libreng pagtuturo ang mga pangunahing abogado ng bansa bilang mga guro.

Noong 2016 Bar e­xams, dalawa sa top 10 at 422 ng mga nakapasa ang kumuha ng pag­rerebisang inihatag ng Se­nate President.

Ngayong taon, 229 mula sa 1,724 na nakapasa ang dumalo sa review program ng Senate President.

May kabuuang 681 na nagsidalo, may 33.6% na passing rate ang KOKOBar review prog­ram at mas mataas sa 25.5% national passin­g rate noong 2017 Bar ­exams.

“Lubos ang aking kaligayahan na nakatutulong ang programa sa pagdadagdag ng bilang ng mga abogadong ma­kagaganap ng kanilang tungkuling ipagtanggol ang mga nangangaila­ngan ng ayudang legal. Dodoblehin pa namin ang aming pagsisikap sa hinaharap upang patuloy pang mapaunlad ang bilang ng mga nakapapasa,” dagdag ni Pimentel.