Top-ranked sinibak ni Wozniacki


TORONTO — May mga pinagbabago si Caroline Wozniacki sa linggong ito para maiba ang kanyang kapalaran sa lungsod na hindi gaanong magiliw sa tennis.

Personal driver? Hindi niya kinailangan sa pakakataong ito rito. Kagaya pa rin ng dati ang hotel? Nag-switch siya ng booking.

Hindi lang basta nanalo si Wozniacki sa Toronto sa unang pagkakataon sa kanyang career, nai­sagawa niya ito laban sa mga world’s best.

Sorpresang tinagpas ng 27-year-old mula sa Denmark si top-ranked Karolina Pliskova, 7-5, 6-7 (3), 6-4, sa rain-delayed quarterfinals kahapon (Manila time) sa Rogers Cup.

Natapos ang match nang mahigit five hours tapos pumasok ang mga players sa court sa early afternoon para sa pre-game warmup. Naantala ang simula nang lampas dalawang oras at makatatlong tigil dahil sa lagay ng panahon sa first set pa lang.

Ang actual on-court match time ay two hours at 56 minutes, pero naramdaman na mas matagal pa roon.

“I just kept fighting and just kept doing my thing,” namutawi kay Wozniacki.

Sa deciding set, sinira ni Wozniacki ang love para makatabla sa 4-4. Nakontrol niya tapos ang serve at sinundan ng isa pang break upang makasulong sa final four.

Sunod sa kanya nga­yon si American Sloane Stephens, na dinaig si Lucie Safarova ng Czech Republic 6-2, 1-6, 7-5, bago nag-uulan ulit kinagabihan.

Humahambalos si Pliskova, isang 6-foot-1, 25-year-old buhat sa Czech Republic, sa first tournament bilang world No. 1.


“She just put everything back,” dada ni Plisko­va. “Even my serves, even some of the groundstrokes. So it was tough for me to close it and I think it’s tough to play someone like (that).”

Nabigo si Wozniacki sa lahat ng kanyang opening matches sa four previous appearances ng WTA Tour’s Toronto. Ang Montreal ang hosts ng women’s Rogers Cup sa alternate years at mas nakapagpakita siya dati rito, wagi noong 2010 at umabot sa semifinals noong 2012.

SHARE