Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Top bomb maker ng Abu Sayyaf tigbak

0 44

Napatay ng pulisya ang kilalang bomb maker ng Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa kaliwa’t kanang pambobomba sa Basilan matapos ang intelligence operation nitong Sabado sa Basilan.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang napatay na si Aroy Ittot alyas Oroy, Dawlah Islamiyah/ASG bomb maker at top priority target ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR).

Sa ulat ni PNP Intelligence Group (IG) Director Police Brig Gen Warren Ferrer De Leon kay Eleazar, alas- 2:30 ng madaling-araw nitong Sabado nang mag-implimenta ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Leo Jay Principe, RTC, 9th Judicial Region, Brach 1, Isabela City, Basilan ang PNP-IG sa pakikipagtulungan ng ibang police unit at miyembro ng Philippine Army laban sa suspek.

Imbes na sumuko ng mapayapa ay nanlaban umano ang suspek at nakipagpalitan ng putok sa awtoridad dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang M16, 1 M14 rifle, mga magazine at bala ng mga ito, 7 grenade rifles at mga sangkap ng pampasabog.

Sa impormasyon na nakuha sa pulisya, ang napatay na suspek ay sangkot sa ibat-ibang roadside bombing sa Tuburan, Basilan kabilang ang pagpapasabog sa convoy ni Tuburan Mayor Durie Kalahal noong 2018; pangha-harass sa grupo ni Mohammad Ajul Mayor Ibrahim Ballaho, pagsunog sa mga sasakyan at IED attack sa Lamitan City, Basilan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.