Una sa Balita

Top 6 clashers pukpukan ang labanan

0 221

abante-anything-goes-jun-lalinNaku, Dondon, in fairness sa Top 6 Clashers ng The Clash ng GMA 7, mukha na talaga silang mga celebrity.

Maaga kasi akong duma­ting kahapon sa presscon nila at nang makasalubong ko sila sa lobby ng GMA Network, Inc., feeling celebrity na rin ang mga aura nilang anim, huh!

‘Yung mga nakakasalubong nga nila kahapon, talagang kinikilig na sa kanilang anim, ‘noh?!

Habang katsikahan ko nga pala si Marian Antonio ng corporate communications ng Siyete, tinanong niya ako kung sino ang bet kong manalo sa finale night ng The Clash on Sunday (September 30).

“Feeling ko, si Anthony Rosaldo o Josh Adornado o Mirriam Manalo ang magwi-win,” sagot ko kay Marian.
Sabi nga ni Marian, sobrang lakas nga raw ng Top 6, kaya maging siya ay bilib din sa mga Clasher.

Anyway, sa Sunday raw ang live ang The Clash with Regine Velasquez-Alcasid as host (ito na kaya ang last time na mapapanood ang Asia’s Songbird sa Kapuso network dahil matindi na nga ang tsikang lilipat na siya sa ABS-CBN?), at ang mga judge na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas.

Angelica, Carlo balikan asam ng mga fan

 

Type ko ‘yung trailer ng Exes Baggage nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na showing na ngayon.

Tama nga ang desisyon ng Star Cinema na ang nasabing pelikula ang gawing pambuena-mano ng kanilang Black Sheep, na pang-indie movie ang ginagawa.

Feeling ko lang, magki-click ang Angelica-Carlo movie na ito lalo na at may kilig ang tambalan nila.

Actually, maraming mga fan nga ang nagsasabing sana ay magkabalikan na talaga sina Angelica at Carlo!

Ruffa, Donita, Assunta excited na sa ‘EB Boom’

 

Bilib ako sa mga taga-Eat Bulaga.

Talagang ang sipag nilang mag-isip ng new games para sa kanilang show.

Meron silang new game na nagsimula noong Monday, ang BOOM.

Sa ngayon, puro mga celebrity muna ang naglalaro for BOOM at sa Friday nga ay sina Ruffa Gu­tierrez, Donita Rose at Assunta de Rossi ang maglalaro para sa nasabing game segment ng Eat Bulaga.

Actually, nang sabihan ko sina Ruffa, Donita at Assunta tungkol sa guesting na ‘yon, na-excite sila kaagad!