Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Top 5 swak na hanapbuhay ngayong 2022

0 87

Ngayong pandemya at patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, na tila hindi nasasabayan ng umento, mahalaga na marami tayong alam at kayang gawin para kumita.

Kaya halina’t alamin ang ilan sa mga hanapbuhay na kayang gawin sa loob ng tahanan basta may sapat na kaalaman. Narito ang top 5 patok na trabaho ngayong 2022:

Una, ay ang mga podcast editor. ‘Di natin maitatanggi na umusbong nang sobra ang mga influencers ngayong taon. Maging ang podcast na noo’y hindi masyadong kilala ay nag-boom nang husto.

Ito ay maihahalintulad sa radyo kung saan tinatalakay ng mga podcaster ang iba’t ibang usapin. Marami na ngayon ang nagsisimulang pumasok sa industriyang ito kaya’t hanap ngayon ang mga taong sanay mag-edit ng kanilang mga recording.

Pangalawa, ay ang content creator. Nag-click din sa masa noong pandemya ang e-commerce na nagresulta sa malaking porsyento ng demand sa mga content creator na nagmo-model ng kanilang mga brand.

Isa rin ito sa mga ginamit na marketing strategy ng mga kompanya lalo na’t expose ang mga tao sa social media. Sa madaling salita, ang mga kompanyang ito ay magpapadala ng mga produkto sa mga content creator na gagawan naman ng video o pictorial at ipo-post kanilang mga social media account.

Pangatlo, ay ang mga financial planners at Financial Advisors. Nagimbal ang lahat noong pandemya dahil sa epekto nito sa pinansyal at kalusugan ng bawat isa. Dahil dito, mas maraming tao ngayon ang naging interesado kung paano magkaroon ng tamang financial planning para sa kanilang kita.

Pang-apat, ay ang mga delivery drivers, sumikat rin noong pandemya ang mga delivery dahil mas convenient at ligtas ito. Ilan sa mga kilala nating mga kompanya ay ang GrabFood, Angkas Food, Foodpanda, Lalamove, Shopee, Lazada, at marami pang iba.

At panglima, ay ang online teacher. Matatandaang sinarado rin maging ang mga paaralan kaya’t naging online na lamang ang moda ng pagtuturo ng mga guro. Dahil dito, nagbukas ang maraming oportunidad sa mga guro na nais magturo. Pinatunayan lamang nito na walang anumang virus ang paghinto sa pagkamit ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Ilan lamang ito sa napakarami pang trabaho na sikat at in-demand ngayong 2022. Kaya ano pang hinihintay mo, tingnan kung pasok ang kwalipikasyon mo sa mga ito at apply na. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.