Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Top 5 salita sa Internet na dapat alam mo

0 120

Ngayong papasok ang digital age hindi maiiwasan umusbong din ang mga slang word o salitang impormal na uso ngayon. Kaya naman mga bestie, hindi dapat tayo nagpapahuli sa pagiging updated sa mga slang word na ginagamit ngayon ng mga netizen.

Ito ang ilang mga slang word sa Internet na dapat alam mo.

Una ang bet. Hindi ito ang literal na bet sa mga sabongan. Ang slang word na bet ibig sabihin ay okay o agree. Ang paggamit ng bet ay pagsang-ayon o gusto sa isang bagay, tao, lugar o pagkain. Halimbawa ay bet ko magbasa ng Abante.

Pangalawa ang flex. Ang flex na slang ay tumutukoy sa pagpapakita o pagyabang. Madalas din itong gamitin ng netizen kapag nagwagi sila sa isang bagay. Halimbawa ay i-flex ko ang aking napakagandang ate na galante sa regalo.

Pangatlo ay chariz, charot, o eme. Lahat ito ay baryasyon ng joke lang. Kapag ayaw ng isa maging seryoso ang tono sa pag-chat, madalas na dinudugtong ito sa dulo. Halimbawa: Ang ganda mo naman ngayon, charot.

Pang-apat ay marites. Kinagigiliwan talaga ng mga Pinoy ang mga tsismis kaya hindi nakapagtataka na madaming tsismosa. Marites naman ang bagong tawag sa mga tsismosa. ‘Yung mga nakikita na nagkukumpolan sa tindahan na mga nanay nagmamarites yan.

Panghuli ang resibo. Kung paano kailangan ng resibo sa bilihin para masabi na legit ito, ganoon din sa mga chika. Resibo ang mga screenshot at ebidensya para malamang totoo ang sinasabi mo.

o ‘di ba, like mo na? (Nethaniah Jan Lim)

Leave A Reply

Your email address will not be published.