Una sa Balita

‘Top 5’ ni Barkley walang Steph Curry

0 367

MAY paandar na naman si Charles Barkley.

Nilista ni Sir Charles ang top 5 players niya sa NBA sa kasalukuyan, at marami ang nambaterya sa kanya nang makitang wala sa listahan si Stephen Curry.

Ang lima ni Barkely: LeBron James, Kevin Durant, Giannis Antetokounmpo, Kawhi Leonard at James Harden.

Mahirap? Mismo.

Pero mas mahirap, wala si Curry, ang tinuturing ng marami na pinakamatinding shooter sa NBA sa kasalukuyan.

May sariling mundo – at opinyon – si Barkley kung sino ang napipisil niyang isama sa listahan.

Pero si Barkley din ang nagsabi noon na hindi mananalo ng NBA championship ang jump-shooting team – tulad ng Golden State Warriors at si Curry. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy