Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tony’s Love bumida sa ‘Challenge’

0 69

Mula sa pang-apat palabas, umusad sa tabing balya sa far turn, lumapit sa unahan sa home turn at umungos ang ulo sa finish line ni Tony’s Love upang angkinin ang tagumpay sa 2020 Philracom “3rd Leg Imported/Local Challenge Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite Linggo ng hapon.

May tiyempo sa Tony’s Love na sinakyan ni apprentice jockey Pabs Cabaleho na 2:07.6 sa 2,000-meter race at nagkaloob ng ng primera gantimpalang P600K sa horse owner mula sa Philippine Racing Commission.

SM food to go Banner Ad

Ang unang umalagwang si second leg winner American Factor na dala ni class A jockey Kelvin Abobo ang sumegundo na may katapat na P225K, habang tumersero si In The Zone para sa P125K at pang-apat ang The Gear na may konsolasyong P50K.

Nagmasid muna si Tony’s Love sa pang-apat pagkalabas sa likuran nina American Factor, In The Zone at Spuntastic. Lumapit far turn sa tabing balya at dumikit sa unahan sa home turn saka nakipag-ubusan ng lakas para pamanalo. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.