Una sa Balita

Tonyboy nakatungkod na

0 810

Gretchen nagpa-healing mass:

Bukod sa pagpapa-pray over sa isang pari, nagpa-healing mass din si Gretchen Barretto sa isang bahay. Naka-post sa Instagram ni Gretchen ang video ng mass, na kung saan ay makikita ring katabi niya ang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, ilang mga kaibigan, at si Mommy Inday na nakaupo sa may bandang likuran.

Larawan ng isang masayang pagtitipon ang mapapanood sa video, na puno ng mga joke ni Father Suarez na siyang nag-officiate ng misa. Masisilip ding tumatawa si Mommy Inday sa naririnig nitong sermon ng pari.

Sigurado ang mga follower ni Gretchen na ang nasabing healing mass ay para sa reconciliation nilang dalawa ng kanyang ina. At posible rin para kay Marjorie Barretto na kaalitan nilang dalawa ni Claudine.

Wala si Claudine sa mass pero nasa lunch at dinner ito na ipinahanda ni Gretchen.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkita at nagkasama ulit sina Tonyboy at Mommy Inday matapos ang ilang taong hindi pagkakasundo ni Gretchen at ina.

Umaasa ang mga supporter nina Gretchen at Claudine na magtutuloy-tuloy na ang magandang samahan kina Gretchen, Claudine at Mommy Inday.

Samantala, napuna si Tonyboy ng ilang religious follower ni Gretchen sa paggamit nito ng cellphone sa gitna ng sermon. Bagama’t, nagbabasa lang naman si Tony at may reaksyon naman ito sa joke ni Father Suarez na isang indikasyon na nakikinig ito, sa paniniwala ng mga nakakita, mas maganda sana kung nag-focus ang businessman sa misa at isinaisantabi muna ang paggamit ng cellphone.

Marami rin ang nakapansin na tila mahina na si Tonyboy, dahil bukod sa nakatungkod na ito, mabagal na rin siyang kumilos. Kunsabagay, matagal na ngang napapansin ng mga tao na hindi siya aktibo, o hindi siya madalas na nakikita sa mga event ni Greta.

Wala akong idea kung ano ang naging sakit ni Tonyboy. Pero, isa lang ang nakikita ng mga tao ngayon, na mahina nga siya, o baka dahil sa edad na rin.

Regine-Ogie, Janno-Bing mas lumalim ang friendship

Kumpirmado na ngang ninong-ninang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kasal ng anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs. Pinost ni Janno sa kanyang Instagram ang pagbisita nila sa tahanan nina Ogie at Regine para hingin ang pagpayag nitong maging godparents sa kasal ng kanilang anak.

Nagpasalamat si Janno sa caption dahil um-oo na nga sina Ogie at Regine. “Pare” at “Mare” na ang tawag ni Janno kina Regine at Ogie.

Nasa larawan din si Alyssa at ang kanyang matangkad na dyowa.

Mga fan nataranta sa ‘bukol’ ni Zoren

Pinag-tripan ng kanyang mga follower si Zoren Legaspi sa post nito sa Instagram na nasa ibabaw ng tulay at nagpapahinga. Galing sa isang mahabaang karera si Zoren suot ang spandex cycling gear o outfit nito.

Basang-basa ang buong katawan ni Zoren na nakatungo pa habang nakasandal sa pasamano ng bridge. Kahit black ang kulay ng suot ni Zoren, hindi naligtas sa mapanuring mata ng kanyang mga fan ang ‘bukol’ sa harapan nito.

Tinamaan kasi ng araw ang harap ng suot ni Zoren kaya bumakat ang ‘sandata’ nito. Nag-zoom in pa ang ibang mga fan sa bukol ni Zoren.

Halos mahimatay ang iba sa kanilang comment sa tindi ng pagnanasa nila kay Zoren, dahil nga sa nakarehistrong bukol nito na “maipagmamalaking” talaga.

Puwet ni Kiray pinagnanasaan ni Enchong

Ibinuko ni Kiray Celis ang pagnanasa ni Enchong Dee sa kanyang puwet sa birthday message niya sa Kapamilya actor. Nag-tweet si Kiray ng larawan ni Enchong kasunod ang birthday message, na kung saan ay ipinangalandakan ni Kiray na paborito raw ni Enchong ang kanyang puwet.

Nasa himig ng mensahe ni Kiray na aliw na aliw siya sa pagnanasa ni Enchong sa kanyang puwet. Nagkasama sa pelikula ng Regal Films noon ang dalawa.

Hindi binibigyan ng malisya ng follower ni Kiray ang post nito dahil alam ng mga itong magkaibigan lang ang dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy