Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tony niyayang mag-date si JC sa V-day

0 593

Dahil pang-Valentine’s presentation naman ang ‘Hello Stranger: The Movie’ na bida sina JC Alcantara at Tony Labrusca, inusisa nga namin sila sa virtual mediacon kung ano ang mga plano nila sa araw na `yon.

Pero, dahil pareho raw silang walang ka-date sa ‘Araw ng mga Puso’, tinanong ko na rin sila, na kung sakali lang na magdi-date silang dalawa, saan nila bet dalhin ang isa’t isa?

“Hahahahaha! Oh my…” reaksiyon ni Tony.

“The past 4-years kasi wala akong nakaka-date ng Valentine. So I wish to have a Valentine dinner with a special woman in my life (nanay ni Tony). Pero, kung wala kang date JC, i-invite kita. Hahahaha!” natatawang chika ni Tony.

“Ngayon lang ako walang date, eh, pero sige sasama ako sa’yo Tony!” sagot naman ni JC.

So, saan dadalhin ni Tony si JC sa Feb. 14?

“May sinasabi ako kay JC na one of my favorite restaurants in Manila, so siguro doon na lang,” sagot ni Tony.

Anyway, ang bongga ng teaser ng ‘Hello Stranger: The Movie’ lalo na sa scene na tinangkang halikan ni Tony si JC, pero umayaw si JC dahil ‘baby boy’ pa raw siya.

SM food to go Banner Ad

Naka-relate ba sila sa eksena na `yon? In real life ba, ganun din sila?

Si JC ba ay pabebe, at si Tony ba ay agresibo?

“Ako, baby boy, pero mas aggressive ako in real life. Hahahaha!

“Kumbaga, mas gusto ko ‘yung ako ang magti-take advantage. Pero kaya ko rin naman maging baby,” natatawang sagot ni JC.

“Siguro depende sa mood ko kung naiinip na ako, eh di magiging aggressive na ako. Pero, mahilig akong mag-kiss talaga. Pero kung hindi naman ako gusto ng tao, hindi naman ako magiging aggressive,” sagot naman ni Tony.

Anyway, giit ng dalawa, hindi na mabibitin ang mga fan nila sa movie nilang ito. Matindi raw ang pasabog nila.

Ang ‘Hello Stranger: The Movie’ ay prodyus ng ABS-CBN Films – Black Sheep, at dinirek ni Dwein Ruedas Baltazar.

Mapapanood ito sa KTX.ph, iWant TFC, and TFC IPTV, Sky Cable pay-per-view, and Cignal pay-per-view. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.