Una sa Balita

Tony Labrusca pinade-deport ni Teddy Boy

By
0 1,120

IPINATATAPON pabalik ng Estados Unidos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang Filipino-American actor na si Tony Labrusca dahil sa ginawa nitong eksena sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Just deport him,” tweet ni Locsin bilang reaksiyon sa nangyari noong Huwebes sa NAIA.

Nabatid na pinagsisigawan ni Labrusca, isang US passport holder, ang mga immigration officer matapos na bigyan lamang siya ng 30 araw para makapanatili sa bansa.

Una nang sinabi ni Locsin na hindi niya kilala si Labrusca.

Humingi naman ng paumanhin ang aktor na nagsabing nadismaya lamang umano siya at hindi alam ang kinakailangan gawin para makasama ang kanyang mga magulang para makakuha ng balikbayan stamp.

“It was very upsetting for me. And I’m sorry that I somehow took my frustrations out on the officer. But never did I call anyone stupid, nor an idiot, much less brag about being a celebrity,” ayon kay Labrusca.

“I know for a fact that the officer is merely doing her job. My biggest mistake perhaps was letting my emotions get the better of me and again I’m sorry,” dagdag pa ni Labrusca.

Nabatid na isinasagawa na umano ang deportation proceedings ng Bureau of Immigration (BI), para mai-deport ang aktor.

Una nang nagbabala ang BI sa aktor na may limitasyon ang ibinigay sa kanyang pribelehiyo.