Una sa Balita

Toni nagpatutsada sa mga tama na politiko

0 916

Tuloy-tuloy lang ang pamilya ni Alex Gonzaga sa pagre-repack ng mga goods para ipamigay sa mga nangangailangan.

Makikita nga sa latest Instagram post ni Alex na nagre-repack ang mga magulang niyang sina Mommy Pinty at Daddy Bono.

“Walang pagod at matanda-matanda!! Tuloy tuloy pa rin ang mga oldies sa pagre-repack. They are the father and mother packers!” patawang chika ni Alex.

Tila nagparinig naman si Toni Gonzaga sa ibang mga politiko na tamad-tamaran ngayon. Bagamat hindi nga nanalo ang kanyang ama, hindi rin daw ito tumigil sa pagtulong.

“No need for position to help. We can all do our part in our own little way! Miss you!!” komento naman ni Toni.

Kaya kayong mga tamad na politiko, magsikilos kayo no! Dahil sa susunod na eleksiyon, siguradong matatalo na kayo.

Maging malinis sa katawan — Snooky

Dobleng ingat ngayon si Snooky Serna sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic. Dahil time out muna sa taping ng primetime series nila, siniguro ng aktres na handa siya at ang kanyang pamilya sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay Snooky, nag-grocery sila at sinuguro na may stock ng mga kailangang gamit sa bahay dahil sa lockdown. Palagi rin siyang naghuhugas ng kamay para mapanatili na malinis ang katawan.

Alden bumawi ng bonding sa mga kapatid, ama

Naisipan kong i-chat si Alden Richards dahil madalas namin makita ang mga magaganda at inspiring post niya sa Twitter para ipadama niya sa mga netizen, lalo na sa mga follower niya na kaisa siya sa mga pinagdadaraanan natin lahat ngayon dahil sa malaking epidemya ng coronavirus.

Sa haba ng bakasyon o break na matatawag ay nagkaroon daw siya muli ng pagkakataon na maka-bonding ang kanyang pamilya na bihira niyang makasama sa rami ng mga commitment niya noon.

Ganun pa man kahit nasa bahay lang siya sa. Sta. Rosa ay abala pa rin siya sa trabaho na puwede naman gawin kahit nasa bahay at nagpaplano pa rin siya ng mga paraan kung papaano makatulong sa mga taong apektado ng virus na ito.

In his own words “Bonding with Family Tito, tapos work from home and nagpaplano po ng mga paraan kung paano makatulong sa mga taong apektado ng virus na to.”
‘Yan si Alden na laging kapakanan ng iba ang nasa isip. Hindi siya nababakante sa gaagwin kahit kawanggawa.

***
Jeric nagsumamo sa mga fan na ‘wag lumabas ng bahay

Si Jeric Gonzales ay sumunod sa ipinag-uutos ng gobyerno natin. Hindi siya lumalabas. Pero kahit nasa bahay lang siya ay nagpaparamdam siya sa mga supporter niya sa pamamagitan ng mga magagandang post niya sa social media.

Pinararating niya sa mga ito ang pakikiisa niya sa mga pinagdadaanan ng bansa natin na epidemya ng coronavirus.

“Huwag po tayong lumabas ng bahay,” ang pagsusumamo ni Jeric.

Isa si Jeric sa napanood natin sa online live show ng mga Kapuso star para makalikom ng tulong para sa mga frontliner ng epidemyang ito sa mga kailangan nilang gamit at panangga sa nakakahawang sakit na ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More